Inihayag ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakapagdala na ito ng 1,037.7 tons ng relief goods sa mga lugard na lubhang na apektuhan ng Bagyong Odette.
As of January 03, 2022, ang PCG Auxiliary (PCGA) aircraft at private vessels kung saan kasama rin sa nasabing mission, nakapagdala ito ng 288.5 tons ng supplies.
Dahilan para tumaas sa 1,326.2 tons ng transported relief goods at critical supplies para sa support ng rehabilitation sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Odette.
Pahayag pa ng PCG, bilang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang PCG sa pamamagitan ng Task Force Kalinga nito ay magpapatuloy ang gamit ng mga available assets at resources para matulungan maka-recover ang mga rehiyon ng MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at CARAGA matapos ito mapinsala na dulot ng Bagyong Odette na nanalasa noong Disyembre.