Kongresista, umapela sa mga pauwing OFWs, ROF, at seafarers na mahigpit na sundin ang mandatory quarantine

121

Umapela si Marino Partylist Rep. Sandro Gonzalez sa mga pauwing OFWs, seafarers at lahat ng mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) na huwag gayahin ang ginawa ng tinaguriang “Poblacion Girl” na lumabag sa health protocols partikular sa mandatory quarantine.

Panawagan ng kongresista sa mga pauwing seafarers, OFWs at mga kapwa Pilipino mula sa abroad na sumailalim at kumpletuhin ang quarantine period at sundin ang lahat ng health protocols.

Pakiusap ng mambabatas na unawain ang mga ipinapatupad ng gobyerno para maprotektahan ang mga pamilya ng mga OFWs laban sa COVID-19.


Aniya, batid niyang gustong sulitin ng mga kababayan ang kanilang mga bakasyon ngunit kailangang mahigpit na sundin ang mga polisiya laban sa COVID-19.

Payo ni Gonzalez, “quality time” na lang muna sa mga pamilya ang gawin sa halip na makipag-inuman o maki-party sa mga kaibigan.

Facebook Comments