48 CENTENARIANS SA REGION 2, TUMANGGAP NG 100,000 PESOS MULA SA DSWD

14
May 48 centenarians sa buong Region 2 ang nabigyan ng 100,000 pesos mula sa Department of of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2).

Personal na inabot ni DSWD FO2 representative, Wilma Asistores ang mga cash gifts kasama ang letter of felicitation sa mga benepisyaryo.

Sa impormasyon mula sa DSWD Region 2, ang kabuuang halaga ng napamahagi ay nasa 4,800,000 na.

May natitira pang 12 na centenarian ang bibigyan ng kanilang benipisyo ngayong taon.

Ipinahayag naman ni Mayor Juan Capucho ng Naguilian, Isabela ang kanyang pagpapasalamat sa programa at sinabi na malaking tulong ang pera sa para sa medikal at iba pang gastusin ng pamilya ng benepisyaryo.

Facebook Comments