Personnel Economic Relief Allowance, pinatataasan sa Senado

rrNadagdagan pa ang mga senador na nagsusulong na taasan ang natatanggap na Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng mga empleyado ng pamahalaan.

Sa Senate Bill 1378 ni Senator Mark Villar ay pinatataasan sa P4,000 mula sa P2,000 kada buwan ang natatanggap na financial assistance ng lahat ng mga government employees upang makaagapay sa mga gastusin mula sa mga tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon kay Villar, dahil sa patuloy na pagtaas ng gasolina at iba pang presyo ng bilihin ay nararapat lamang na itaas din ang PERA ng mga empleyado upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.


Panahon na rin aniya para itaas ang subsidiya sa mga government employees lalo’t ang P2,000 na PERA subsidy ay huling nai-adjust taong 2009 pa o 13 taon na ang nakakaraan.

Sakop ng panukala ang mga civilian government personnel sa local at national level, elected o appointed, regular, contractual o casual position.

Makakatanggap din ng kaparehong benepisyo ang mga militar at iba pang uniformed personnel maliban sa mga tauhan na nakatalaga sa abroad at nakakatanggap ng overseas allowance.

Una nang naghain ng parehong panukala si Senator Jinggoy Estrada.

Facebook Comments