Philippine Coconut Authority, mamamahagi ng mga seednuts at seedlings sa mga coco- farmers na sinalanta ni Bagyong Odette

99

Inihahanda na ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang distribusyon ng 152,014 seednuts at seedlings para sa mga coconut farmers na sinalanta ni Bagyong Odette.

Ayon sa PCA, itoy ipapalit sa mga natumba at nasirang punong niyog sa mga lugar na grabeng sinalanta ng kalamidad.

Base sa tala, pumalo na sa Php1.58 billion ang halaga ng pinsala sa Coconut Sector.


Tumutulong na rin ang ahensiya sa mga Coco Farmers sa Clearing Operations at Rehabilitation.

Nagpaabot na rin ito ng tulong pinansiyal sa mga magniniyog sa Surigao at Dinagat Island sa Region 13 at Southern Leyte sa Region 8.

Facebook Comments