Isang senador, kumbinsidong magbibigay proteksyon sa riding public ang “no vaccine, no ride” policy

111

Nauunawaan ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang “no vaccine, no ride” policy ng Department of Transportation (DOTr).

Kumbinsido si Poe na layunin nito na maprotektahan ang mga riding public o ang mga sumasakay sa pampublikong transportasyon.

Ayon kay Senator Poe, malinaw sa mga datus na ang mga fully vaccinated ay hindi malala ang sintomas ng COVID-19 na nararanasan.


Binanggit pa ni Poe na karamihan sa mga namamatay o nao-ospital dahil sa COVID ay lumilitaw na hindi bakunado.

Dahil dito ay iginiit ni Poe na mahalaga na magpabakuna na tayong lahat maliban na lang kung mayroon lehitimong health reason kung bakit hindi maaring magbakuna ang isang indibidwal.

Facebook Comments