
Nakumpiska ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang abot sa P1-M halaga ng hindi rehistradong agricultural inputs sa Aritao, Nueva Vizcaya.
Arestado sa operasyon ang dalawang indibidwal na nagbebenta ng mga hindi rehistradong produkto.
Ayon kay FTA Executive Director Glenn DC. Estrada, ang dalawang indibidwal ay mula sa Guimba, Nueva Ecija.
Inaresto ang mga ito matapos bentahan ang isang CIDG operative na nagpanggap na poser-buyer.
Nakuha sa kanila ang ibat-ibang brand ng fertilizer at pesticide products, boodle money, isang genuine Php1,000 bill na ginamit sa buybust at isang sasakyan na Isuzu Crosswind .
Tiniyak ni Estrada na patuloy na makikipag tulungan ang FPA sa law enforcement agencies para ipatupad ang umiiral na batas para maprotektahan ang sektor ng agrikuktura.
Iniimbestigahan pa ang dalawa para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.










