Pilipinas, nagpaabot ng pakikiramay sa mga biktima ng mass shooting sa Thailand; DFA, walang naitalang Pilipinong nadamay sa insidente

73

Nagpaabot ng pakikiramay ang Embaha ng Pilipinas sa Thailand kasunod ng mass shooting sa isang nursery sa probinsya ng Nongbua Lamphu.

Sa isang pahayag, sinabi ng Embahada na labis nilang ikinagulat at ikinalungkot ang kalunos-lunos na pangyayari at ka-isa nito ang mga Thai sa pagdadalmhati,

Samantala, kinumrpima ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang naitatalang Pilipino ang nasawi sa naturang pamamaril sa Thailand.


Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Embahada at DFA sa pulisya ng Thailand hinggil sa kalagayan ng mga Pilipino roon.

Facebook Comments