Pilipinas, panahon na para maging dependent sa renewable energy – Sen. Zubiri

Naniniwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na panahon na para mas maging dependent ang Pilipinas sa renewable energy bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pulitika at mga kaguluhan.

Ayon kay Zubiri, kung magagamit ng bansa ang mga potensyal na renewable energy tulad ng solar, hydro, at wind power generation, magiging malaking kabawasan ito sa singil sa kuryente ng bansa.

Hindi lang aniya ito direktang makakabenepisyo sa mga tao kundi makakalikha rin ito ng pabor na kondisyon sa paglago ng mga negosyo.


Punto pa ni Zubiri, mura na lang ang mga solar panels ngayon pati na ang pagtatayo ng hydro at wind energy plants at maaaring maibaba sa P5 kada kilowatt hour ang singil sa kuryente.

Ipinunto pa ng senador na malaki ang potensyal ng Pilipinas na maging renewable energy champion sa Asya.

Kailangan lang aniyang resolbahin ang problema sa red tape sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay pa ng ngipin sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) para maipatupad ang Republic Act No. 11032 o the Ease of Doing Business Act of 2018.

Facebook Comments