Tuesday, April 28, 2026

Panibagong petisyon laban sa impeachment ni VP Sara, inihain sa Korte Suprema

Isang araw bago ang pagpapatuloy ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara, muling naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang ilang abogadong taga-suporta ng pangalawang pangulo.

Inihain ngayong araw nina Atty. Israelito Torreon, Atty. Jimmy Bondoc at Atty. Resci Nolasco ang Supplemental Petition for Certoriari para humiling na ihinto ang impeachment proceedings ng House Committee on Justice.

Batay sa petisyon, may panibago umano silang batayan para ipatigil ang impeachment dahil sa grave abuse of discretion lalo’t itinuloy ang impeachment proceedings ng Committee on Justice kahit na naka-regular recess ang House of Representatives mula March 21 hanggang sa May 3.

Sumobra umano ang komite nang magsagawa ng hearing, tumanggap ng ebidensiya at aksyunan ang mga subpoena sa panahong walang plenary session ang Kongreso.

Ayon sa Petitioners, ang Supreme Court na mismo ang nagsabi na dapat may kasalukuyang plenary session kapag idinadaos ang impeachment at hindi ito maaaring i-bypass ng isang House resolution.

Dahil dito, muli nilang hiniling sa Kataas-taasang Hukuman na ideklara ang resolusyon na unconstitutional.

Nais din nilang ipawalang bisa ang lahat ng naging pagdinig, kautusan, resolusyon at mga subpoena at iba pang mag kinalaman sa mga naunang impeachment proceedings.

Ipinadedeklara din nilang nagkaroon ng pag-abuso ang House Commitee on Justice at maglabas ng temporary restraining order sa impeachment laban kay Duterte.

Facebook Comments