Monday, November 23, 2026

19 Pinoy seafarer mula sa lumubog na LPG tanker, byaheng Pilipinas na ngayong huwebes — DMW

Nakatakda nang lumipad pauwi sa Pilipinas ngayong Huwebes, November 26, ang 19 na Pilipinong tripulante ng lumubog na LPG tanker na MT Gas Husky matapos maisaayos ang kanilang mga papeles.

Kasalukuyang nagpapahinga sa isang hotel sa Varna, Bulgaria ang mga marino habang hinihintay ang kanilang flight pabalik sa bansa.

Tiniyak ng Migrant Workers Office-Budapest na nasa maayos nang lagay ang lahat ng tripulante, habang patuloy na nagpapagaling ang dalawang nasugatan matapos gamutin sa ospital.

Nauna nang nagpaabot ng agarang tulong pinansyal at mga pangunahing pangangailangan ang MWO-Budapest matapos ang insidente noong November 17.

Kasabay nito, naasikaso na rin ng Philippine Embassy sa Bucharest ang kanilang emergency travel documents, statutory compensation, at repatriation assistance.

Facebook Comments