Pinsala ng Bagyong Paeng sa imprakstraktura, pumalo na sa P4.3B

Pumalo na sa P4.3 billion ang iniwang pinsala sa imprastraktura ng Bagyong Paeng.

Base sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa P4,309,850,765.88 ang halaga ng pinsala ng bagyo sa 722 imprastraktura.

Sa mga napinsalang imprastraktura, 111 ang naitala sa CALABARZON na nasa P1,243,670,800.


Sa MIMAROPA, 191 ang damaged infrastructure na nagkakahalaga ng P794,207,400 at Bicol Region na may 180 damaged infrastructure na nagkakahalaga naman ng P793,374,689.

Nasa 120 kalsada at 68 tulay pa rin ang hindi nadaraanan.

Samantala, una nang iniulat ng Department of Agriculture na umabot na sa P3.16 billion ang pinsalang iniwan ng Bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Aabot sa 197,811 metric tons ng mga pananim ang nasira mula sa 84,677 ektaryang taniman sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao at SOCCSKSARGEN.

Nakapagtala naman ang National Irrigation Administration (NIA) ng P96,102,000 na pinsala sa Cagayan Valley at Bicol Region.

Sa ngayon, umakyat na sa 156 ang bilang ng nasawi dahil sa bagyo, 141 ang nasugatan at 37 ang nawawala.

Facebook Comments