Pinaghahandaan na ang taunang selebrasyon para sa kapistahan ng Bayambang na gaganapin sa March 28 hanggang April 1 at April 5,2026.
Sesentro sa adhikaing masagana at pangarap na bayan ang tema ng selebrasyon ngayong taon.
Kabilang sa mga tinalakay na magiging aktibidad ang agri-trade fair, Ukay for a Cause, animal shelter, mega job fair, pageant at ilan pang aktibidad na magbibigay-kulay sa kakayahan ng iba’t-ibang sektor.
Garantiya ng lokal na pamahalaan, maigting ang koordinasyon ng mga tanggapan at opisyal para pangunahan ang mga aktibidad kasama ang kanila-kanilang komite.
Inaasahan na magsisilbing makabuluhang plataporma ang selebrasyon upang maipamalas ang mayamang kultura, at diwa ng pagkakaisa na huhubog sa patuloy na pag-unlad ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










