
Tinanggi nina House Spokesperson Atty. Princess Abante at House prosecutor, Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores ang sinabi ni Senator-elect Erwin Tulfo na planong ihain muli sa 20th Congress ang impeachment case o complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Abante, wala syang naririnig na ganitong impormasyon kaya palaisipan kung saan ito narinig ni Tulfo.
Diin ni Abante, na-transmit na ng Kamara sa Senado ang Articles of Impeachment at inaantabayaan na ang nila ang pagtupad ng Senado sa tungkulin nito na magsagawa ng impeachment trial.
Sabi naman ni Rep. Flores, walang anumang diskusyon hinggil sa planong pag-refile ng impeachment complaint at naniniwala sya na ang ganitong hakbang ay lalabag sa one year ban rule.
Facebook Comments