Kamara, umaasang para sa taumbayan ang napapadalas na biyahe sa abroad ni VP Sara

Umaasa ang tagapagsalita ng Kamara na si Atty. Princess Abante na para sa taumbayan at hindi sa personal na interes ang napapadalas na biyahe sa abraod ni Vice President Sara Duterte.

Tugon ito ni Abante nang hingan ng reaksyon sa pagtungo ng VP Sara sa Australia para dumalo sa isang rally na nananawagan ng pagpapalaya sa amang dating Pangulong Rodrigo Duterte na nanatili sa detention facility ng International Criminal Court sa The Hague.

Diin ni Abante, personal man o opisyal ang pagbiyahe ng isang halal na opisyal na bayan ay hindi ito dapat pangsariling interes upang hindi masayang ang pondo, tiwala at mandatong ibinigay ng mamamayang Pilipino.

Facebook Comments