PNP Cagayan, Nagsagawa ng Advocacy Rally!

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng isang rally ang mga kapulisan sa Lalawigan ng Cagayan.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, nagsagawa kaninang pasado alas 6:00 ng umaga ang buong hanay ng PNP Cagayan ng Advocacy Rally Denouncing Against Women.

Sa Tuguegarao City, dinaluhan ang naturang rally ng dalawang (2) Board Member ng 3rd District na sina Atty. Mila Lauigan at Perla Tumaliuan habang sa mga PNP Stations ay isinagawa sa bawat municipal proper.


Ito ay kaugnay pa rin sa selebrasyon ng mga kababaihan ngayong buwan ng Marso.

Facebook Comments