
Dalawang babaeng nahaharap sa kasong estafa ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Pangasinan noong Mayo 11, 2026.
Sa bayan ng Manaoag, dinakip bandang alas-9:20 ng gabi ng mga tauhan ng Manaoag Municipal Police Station ang isang 21-anyos na babae na residente ng naturang bayan sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong estafa.
May inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng P45,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Samantala, bandang alas-5:55 ng hapon naman nang arestuhin ng Urbiztondo Police Station sa Brgy. Malayo, Urbiztondo ang isang 27-anyos na babae mula sa San Carlos City na nahaharap sa anim na bilang ng syndicated estafa kaugnay ng paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act. Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang paglaya.
Kapwa nasa kustodiya na ng kani-kanilang himpilan ng pulisya ang mga naarestong suspek habang isinasagawa ang kaukulang proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






