Ayon sa kumpanya, inaasahan ang mas mataas na konsumo ng kuryente dahil sa tuloy-tuloy na paggamit ng mga appliances tulad ng electric fan at air conditioner, na maaaring magresulta sa mas mataas na singil sa kuryente.
Binigyang-diin na mahalaga ang wastong paggamit ng mga kagamitang elektrikal upang maiwasan ang dagdag-gastos, kabilang ang pagtanggal sa saksakan ng mga charger at iba pang appliances kapag hindi ginagamit.
Pinaalalahanan din ang publiko na tiyakin na hindi nakasaksak ang mga kagamitang hindi ginagamit upang maiwasan ang patuloy na pagkonsumo ng kuryente.
Tiniyak naman ng electric provider na nagpapatuloy ang kanilang monitoring at maintenance sa mga pasilidad upang maiwasan ang aberya at posibleng power interruption na makakaapekto sa mga konsyumer.





