
Hinimok ng Philippine National ang mga high profile personalites at ang lahat ng mga indibidwal na may arrest warrant kaugnay ng flood control anomaly na sumuko na .
Ayon kay acting PNP Chief Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., maging halimbawa sana ang ginawang boluntaryong pagsuko ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. matapos ang arrest warrant na inisyu laban sa kanya ng Sandiganbayan .
Nabatid na sumuko si Revilla kagabi sa PNP dito sa Camp Crame Quezon City kung saan kasama nya ang kanyang pamilya at ang kanyang legal counsel.
Dahil dito, ay agad ding inatasan ni Nartatez ang CIDG na isilbi ang arrest warrant kay Revilla para sa kaso ng graft and malversation bilang parte ng legal na proseso.
Sa ngayon, pansamantalang ikukulong ang dating senador sa Quezon City Jail Dormitory matapos ang naging pasya ng Sandiganbayan.










