Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magbigay nang anumang tulong sakaling ibalik sa Alert Level 2 ang Metro Manila.
Ito ay matapos ang pahayag ng Department of Health (DOH) kahapon na posibleng itaas sa Alert Level 2 ang Metro Manila kung magpapatuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, susunod ang PNP sa kanilang mandato na magpatupad ng kaayusan anuman ang alert level.
Paliwanag pa niya, tutulong ang PNP sa Inter-Agency Task Force sa pagpapatupad ng mga guideline kasama na ang pagtitiyak na masusunod ang health protocols.
Nabatid na ayon sa DOH, 14 sa 17 lugar sa Meto Manila ang tumataas ang kaso ng COVID-19.
Pero, hindi pa umano nakikitang tumataas ang severe at critical na mga kaso at hindi pa rin nagkakaroon ng problema sa mga ospital.