DOJ, naglabas na ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa SUV na nanagasa ng security guard sa Mandaluyong

79

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na naglabas na ang Department of Justice (DOJ) ng ILBO o Immigration Lookout Bulletin Order laban sa driver ng SUV na nanagasa ng isang security guard sa Mandalauyong City.

 

Ayon kay Sec. Guevarra, kasunod ito ng kahilingan sa DOJ ng Office of the City Prosecutor ng Mandaluyong City.

 

Layon ng ILBO na alertuhin ang mga otoridad pero hindi naman ito nangangahulugan na hindi na makakalabas ng bansa si Jose Antonio V. Sanvicente dahil hindi naman hold-departure-order ang pinalabas laban sa motorista.


 

Si Sanvicente ay una nang sinampahan ng kasong frustrated murder at paglabag sa article 275 ng revised penal code.

 

Kinansela na rin ng Land Transportation Office (LTO) ang kanyang driver’s license matapos na ilang beses na hindi sumipot  sa patawag ng LTO.

Facebook Comments