PNP, nakikiisa sa selebrasyon ng Eid’l Adha

Nakikiisa ang Philippine National Police (PNP) sa mga kapatid nating Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o ang Feast of Sacrifices.

Sa mensahe ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., sinabi nitong kinikilala ng kapulisan ang kahalagahan ng Eid al-Adha bilang panahon ng pagninilay, sakripisyo at pagkakaisa. Habang ipinagdiriwang aniya ang okasyon, hinihimok ang lahat na unahin ang kaligtasan at sumunod sa mga alituntuning itinakda ng mga awtoridad.

Sinabi pa ni Acorda, nakahanda ang pulisya na tumugon saka-sakaling kailanganin ang kanilang tulong.


Kasunod nito, hinihikayat ng PNP ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at panatilihin ang pagbabantay upang maging mapayapa ang selebrasyon ngayong araw ng Eid’l Adha.

Nabatid na ito ang pangalawang malaking festival na ipinagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim bukod sa Eid al-Fitr o ang pagtatapos ng pag-aayuno o Ramadan.

Facebook Comments