Mga na-hired on the spot sa isinasagawang Barangay Mini Job Fair sa Caloocan city, umaabot na sa higit 20

Umaabot na 23 ang bilang ng mga aplikante na na-hired on the spot sa ikinakasang Barangay Mini Job Fair ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa Sta. Rita Covered Court sa Brgy. 188, North Caloocan.

Karamihan sa kanila ay magsisimula na bilang mga merchandizer, helper, driver, office staff at service crew.

Bawat aplikante na na-hired on the spot ay nakatanggap ng mga souvenirs mula sa DZXL 558 Radyo Trabaho tulad ng t-shirt at wall clock.


Bawat aplikante naman na nagpa-rehistro ay nakatanggap ng mga items mula sa ACS Manufacturing Corporation makers of Shield Bath Soap and Unique Toothpaste.

Nagpapasalamat naman tayo sa lokal na pamahalaan ng Caloocan at sa Public Employment Service Office (PESO) Caloocan gayundin sa Manila Water, ACS Manufacturing Corporation at sa buong opisyal ng Brgy. 188 sa pangunguna ni Chairwoman Maria Elisa Chan kasama ang mga opisyal at residente nito.

Facebook Comments