Pocari Sweat, inilampaso ng Philippine Air Force sa game 1 ng Premier Volleyball League Conference

Manila, Philippines – Ginulat ng Philippine Air Force ang Pocari Sweat Lady Warriors sa game 1 ng Premier Volleyball League Open Conference sa best-of-three semifinals series na ginanap Filoil Fying V Centre sa San Juan.

Sa iskor na 25-20, 25-19, 25-21, pumalo ng 12 points si May Ann Pantimo ng Air Force na sinuportahan naman ang 11 points ni Jocemer Tapic at 9 points ni Dell Palomata.

Nasayang naman ang 14 points ni Myla Pablo ng Lady Warriors.


Sa ngayon ay parehong naghahanda ang koponan para sa game 2 nila ngayong araw.

Facebook Comments