
Naniniwala si Senator Erwin Tulfo na hindi dapat timbangin o sukatin ang tagumpay ng katatapos na ASEAN Summit sa ginastos ng bansa na host ngayong taon.
Idiniin ni Tulfo na dapat ibatay ang tagumpay ng ating hosting at chairmanship ng ASEAN sa naging resulta at mga naging pangako na magbebenepisyo ang bansa sa mga susunod na panahon.
Kumpiyansa ang senador na nagawa ng gobyerno na talakayin ang mga mahahalagang isyu sa ating mga kalapit bansa tulad ng economic cooperation, disater resilieance at regional peace and security.
Ngayon aniya ay kailangang tiyakin na ganap na mapapakinabangan at magbebenepisyo ang ating ekonomiya mula sa mga magagandang napagusapan at napagkasunduan sa katatapos na ASEAN Summit para sa kapakan ng mga Pilipino.
Inaasahan naman ni Senate President pro-tempore Tito Sotto III ang paghusay ng relasyon at partnership sa larangang panlipunan at pang-ekonomiya.
Naniniwala rin si Sotto na maaaring makahanap ng solusyon sa isyu ng West Philippine Sea sa tulong ng ibang bansa at mga rehiyon.










