Pondo para sa ₱7,000 medical allowance ng mga kawani ng gobyerno, naibaba na sa mga ahensya ng pamahalaan

Naibaba na sa mga ahensya ng pamahalaan ₱7,000 medical allowance para sa mga empleyado ng gobyerno.

Ang medical allowance ay para sa lahat ng civilian government personnel sa mga pambansang ahensya ng gobyerno, kabilang ang state universities and colleges at ilang government-owned and controlled corporations.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, kasama ito sa 2025 national budget sa bisa na rin ng Executive Order No. 64.


Nailabas na rin aniya ang guidelines tungkol sa additional incentives.

Tiwala naman si Pangandaman na tinatrabaho na ito ng mga tanggapan ng gobyerno para matanggap na ang medical benefit ng mga government worker.

Facebook Comments