Oklahoma Thunders – wagi kontra Dallas Mavericks

29

NBA- Isinalba ni Russell Westbrook ang Oklahoma City laban sa Dallas Mavericks sa score na 92-91 sa nagpapatuloy na NBA season.

 

Nagawang mahabol ng Thunder ang 13-point deficit sa huling apat na minuto ng laro.

 

Bumida si Russel sa 14-0 run kung saan 12 puntos ang kanyang naibuslo.

 

Naipasok din ni Westbrook ang jumper sa natitirang seven seconds para itala ang kanilang 42-31 record ngayong season.

 

Sa huling siyam na laro ng thunder pito na ang kanilang napanalunan.

 

Kaya naman abanse sila ng 1 1/2 game sa Memphis para sa ika-anim na puwesto sa western conference.



Facebook Comments