Posibleng Polio outbreak sa panahon ng pandemya, inaagapan ng DOH; WHO, umapela sa mga magulang na makiisa sa pagbabakuna ng gobyerno

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibleng mangyaring Polio outbreak sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Health Undersecretary Abdullah Dumama ng DOH-Mindanao, maiiwasan lamang ito kapag nakiisa ang mga magulang sa pagbabakunang ginagawa ng pamahalaan sa mga batang may edad lima pababa.

Aniya, malaking dagok kapag nagkaroon ng Polio outbreak sa gitna ng pandemya.


Kinumpirma rin ni Dr. Dumama ang natuklasan nilang pagkalat ng Polio virus sa waterways at sa mga ilog sa Metro Manila at Davao City.

Umapela rin sa mga magulang at guardian si Dr. Rabindra Abeyasinghe ng World Health Organization (WHO) na pabakunahan ang kanilang mga anak upang makaiwas sa Polio virus.

Nilinaw naman ng UNICEF na maaari pa ring pabakunahan ngayon ang mga batang hindi napatakan ng anti-polio vaccine sa mga nakalipas na pagbabakuna ng DOH.

Facebook Comments