PPCRV count, tumugma sa election return tally

585

Tumugma ng 100% ang mga election returns (ERs) na pino-proseso ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa tally ng Commission on Elections (COMELEC) transparency media server.

Sa ulat ng PPCRV, nasa 16,820 ng kabuuang 24,640 ERs na natanggap ng election watchdog ang na-validate.

Ayon kay PPCRV Spokesperson Atty. Vann dela Cruz, hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang nakitang discrepancy sa bilang ng mga boto.


Samantala, tiniyak naman ng PPCRV na bukas sa publiko ang lahat ng mga data at dokumento nila para sa mga nais kumwestyon sa resulta ng halalan.

Facebook Comments