Wing Van Truck na may kargang sibuyas, aksidenteng tumumba dahil sa malambot na kalsada

Nabas, Aklan — Aksidenteng tumumba ang isang wing van truck na may kargang sibuyas kaninang madaling araw sa national highway ng Sitio Musdak Brgy. Unidos, Nabas, Aklan.
Sa imbestigasyon ng Nabas PNP, lumalabas na galing sa Oriental Mindoro ang truck na minamaneho ni Jun-Jun Geraldy Escarez, 42-anyos at sakay ang tatlo nitong pahinante papuntang Iloilo pero pagdating sa lugar bumaon ang gulong nito at natumba dahil sa malambot na bahagi ng kalsada dulot ng pag ulan sa lugar.
Nag responde sa lugar ang mga taga MDRRMO Nabas at dinala sa Ibajay District Hospital ang mga sakay nito matapos na magtamo ng minor injuries.
Facebook Comments