RACE CAMPAIGN NG SSS, EPEKTIBO SA PAGBABAYAD NG MGA DELINQUENT EMPLOYER

22
Cauayan City, Isabela- Kumpiyansa ang Social Security System o SSS Cauayan na naging epektibo ang kanilang pagsasagawa ng Run After Contribution Evaders o RACE operation sa mga delinquent employers sa Lungsod.

Nagkaisa kaninang umaga ang ilang kawani ng SSS Cauayan para sa RACE Campaign kung saan sinorpresa at personal na kinausap ang anim (6) na mga delinquent employers o lumabag sa Republic Act 11199 o ang Social Security Act of 2018 sa Lungsod para bayaran ang mga kontribusyong hindi niremit ganun din ang mga naipong penalty.

Dito ay inalok ng SSS sa mga delinquent employers ang kanilang dalawang programa na Pandemic Relief Restructuring Program 2 at PRRP 3 na maaari nilang i-avail para matulungan sa kanilang pagbabayad.

Maayos namang natapos ang isinagawang operasyon ng SSS at nangako ang ilang lumabag na employer na babayaran na nila ang kanilang delinquencies.

Binigyan ng Order letter ang anim na delinquent employers para mag-comply sa loob ng 15 days at kung hindi naman sila susunod ay maaari na silang mapatawan ng kaso.

Payo naman ni Atty. Cuenca sa mga delinquent employers na samantalahin na ang iniaalok na programa ng SSS para hindi na lalong lumaki ang penalty o delinquency at maiwasan ang pagkakaroon ng kaso.



Samantala, mayroon ng 15 na delinquent employers ang kinasuhan ng SSS matapos na mabigong mag-comply sa kanilang obligasyon.

Facebook Comments