PRC REGION 1, MULING IGINIIT ANG MGA IPINAGBABAWAL NA KAGAMITAN TUWING LICENSURE EXAMINATIONS

Muling iginiit ng Professional Regulation Commission Region 1 ang pagpapanatili ng pagiging tapat at makatarungan ng mga isinasagawang licensure examinations.

Naglabas ng listahan ang tanggapan ng mga kagamitan na ipinagbabawal sa loob ng mga examination centers, kabilang dito ang;
-libro, review materials at anumang dokumento na may datos o formula
-lahat ng uri ng calculator maliban sa mga exam na nagpapahintulot sa paggamit nito
-smart watch, cellphone, ear plugs, portable computers at anumang electronic device
-bags

Pinapayagan naman ang pagdadala ng pagkain o gamot na nakalagay sa transparent na lalagyan.

Sa paraang ito, makakamit ang patas at makatarungang pagsusulit para sa mga nagnanais maging propesyonal sa piniling larangan.

Hinimok naman ang kooperasyon ng mga examinees para sa kaayusan ng mga licensure examinations. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments