Presidential candidate at Senator Panfilo Lacson, magkakaroon ng pagbabago sa campaign strategy

Kinumpirma ngayon ni presidential candidate at Senador Panfilo “Ping” Lacson na mayroon silang gagawing pagbabago sa pangangampanya upang mapawi ang pag-aalinlangan ng maraming mga botante na gusto nila ang beteranong senador.

Ayon kay Lacson, nais nilang maging tulay sa agam-agam ng maraming tao na gusto nila ang beteranong senador pero mahina sa survey kaya’t masasayang lamang ang kanilang mga boto.

Ang naturang mga pananaw ay nais baguhin ni Lacson dahil naramdaman niyang maraming mga Pilipino na gustong maging pangulo ng bansa si Lacson dahil na rin sa sila ng kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay may kwalipikasyon, at may competence pero nangangamba ang mga botante na hindi mananalo dahil sa lumalabas sa survey.


Paliwanag ni Lacson, nais nilang tanggalin ang “pero” sa isipan ng taumbayan at baguhin ang kanilang communication strategy, upang ipabatid sa mga Filipino na hindi masasayang ang kanilang mga boto dahil na rin sa matured na ang mga botante pagdating sa botohan.

Facebook Comments