Payo ng ilang kongresista sa mga presidential candidates, mag-focus sa kanilang mga plataporma

45

Pinayuhan ng Makabayan Bloc sa Kamara ang mga presidentiables na mag-focus na lamang sa pangangampanya ng kanilang mga plataporma para sa mga Pilipino.

Giit ng grupo, lalo lamang pinatunayan ng ibang mga kandidato sa pagka-presidente kung bakit hindi sila dapat iboto ng mga tao.

Mas lalo lamang umanong ipinakita ng ibang mga kandidato kung kanino sila pumapanig lalo na ng pagtulungan si Vice President Leni Robredo na palaging pumapangalawa sa mga survey.


Nasaksihan din umano ng publiko ang kanilang mga tunay na karakter na pawang personal na ambisyon lamang ang umiiral sa halip na kapakanan ng taumbayan.

Payo pa ng Makabayan sa mga presidential candidates, na dapat magtulungan para sa mga kababayang biktima ng Bagyong Agaton at iba pang problema tulad sa kalusugan at krisis pang-ekonomiya.

Facebook Comments