Price freeze sa LPG at kerosene, umiiral pa rin sa 4 na bayan na sinalanta ng Bagyong Agaton

93

Umiiral pa rin sa apat na bayan ng Iloilo at Leyte na sinalanta ng Bagyong Agaton ang price freeze sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE), kabilang dito ang bayan ng Sara, Passi, at Lemery sa Iloilo; gayundin ang bayan ng Pototan sa Leyte.

Nabatid din na ang mga naturang bayan ay kabilang sa isinailim sa state of calamity.


Mananatili ang price freeze sa loob ng 15 araw kung saan epektibo ito hanggang Abril 26 sa bayan ng Sara at Passi, Iloilo; habang iiral naman ito hanggang Abril 27 naman sa Lemery, Iloilo at Pototan, Leyte.

Facebook Comments