Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Committee on Ways and Means Chairman Senator Sonny Agnara na pro-poor ang ipinasa nilang bersyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Tinukoy ni Angara na aabot sa 6.8 milyon na mga pangkaraniwang mangagawa ang makikinabang dito dahil itinaas ng Senado sa 250,000 pesos ang taunang kita na hindi na papatawan ng buwis.
Magdudulot ito aniya ito ng paglaki ng take home pay ng mga maliliit na empleyado.
Diin ni Angara, sa kasaysayan ng pagbubuwis sa bansa ay ito ang pinakamalaking tax relief na maigpakakaloob sa mga manggawang Pilipino.
Tinukoy din Angara na malaking tulong sa mga mahihirap ang pagtanggal ng Value Added Tax o VAT para sa mga prescription medicines.
Sabi ni Angara, papagaanin nito ang problema ng mga mahihirap sa pagbili ng gamot kapag sila ay nagkakasakit.