Provincial government ng Aklan at mga stake holders sa Boracay may apela kay Pangulong Duterte

Kalibo, Aklan — May apela ngayon ang Provincial government ng Aklan at mga
stakeholders sa Boracay kay Pangulong Rodrigo Duterte nga huwag ipasara ang
isla ng Boracay.

Ito ang napagkasunduan sa meeting na isinagawa noong Sabado na dinaluhan
nina Aklan Gov. Florencio Miraflores, Congressman Carlito Marquez, dating
Vice Gov. Gabrielle Calizo-Quimpo, Vice Mayor Abram Sualog, mga
representative ng national agencies, resort owners at mga stakeholders.

Ipinadala nila ang kanilang apela sa president sa pamamagitan ng isang open
letter.


Maliban dito ipapalathala din sa mga pahayagan ang nasabing open letter.

Layunin nito na para makonsidera ng president ang magiging desisyon sa
tuluyang pagpasara ng Boracay dahil marami ang maaapektuhan nito.

Facebook Comments