MGA BOMBA, NAREKOBER SA CAGAYAN

13
Nakarekober ng mga bomba ang mga awtoridad sa bayan Gattaran, Cagayan, kahapon, Agosto 2, 2022.

Sa impormasyong mula sa Provincial Regional Office 2 (PRO2), may apat na unexploded ordnance at isang vintage bomb ang narekober ng pinagsanib pwersa ng Canine Unit (K9 Unit) at 2nd Maneuver Force Platoon ng Provincial Mobile Force Company sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Gattaran.

Ang mga nasabing bomba ay nadiskubre sa bahay ni Honesto Buenio ng Brgy Centro Sur habang ang isang vintage bomb naman ay narekober sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Takiki, Gattaran, Cagayan.

Isang residente ang nakadiskubre ng vintage bomb sa naturang lugar habang isang concern citizen ang itinawag ang mga nakitang UXO sa awtoridad.

Nasa pag-iingat na ng Cagayan Provincial EOD at K9 Unit ang mga nadiskubreng bomba para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments