
Hindi pinayagan ng Office of the Ombudsman ang hirit ni dating House Speaker Martin Romualdez na makalabas ng bansa.
Sa isang press briefing, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na ayaw na nilang maulit ang naging kaso ni dating Congressman Elizaldy Co na nagpaalam na magpapagamot sa labas bansa, pero hindi na bumalik ng bansa.
Sa ngayon ay wala pa silang impormasyon kung nakalabas na ng bansa si Romualdez.
Humihiling umano ang dating House speaker ng limang araw na medical check up sa Singapore.
Hiniling na rin ng Ombudsman sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang mga assets o ari-arian ni Romualdez.
Iniimbestigahan na rin kasi si Romualdez sa kasong money laundering.
Aniya, matagal na nila itong hinihintay na high level personality na sangkot sa mga maanomalyamg infrastructure projects ng pamahalaan.










