Tuesday, July 14, 2026

𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Isinailalim sa State of Calamity ang lalawigan ng Cagayan kahapon, ika-20 ng Abril bunsod pa rin ng dry season at krisis sa langis.

‎Ito ay matapos aprubahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang isang resolusyon sa isinagawang pagpupulong sa lalawigan.

‎Iniulat rin ni Engr. Arsenio Antonio mula sa Office of the Provincial Agriculture (OPA) sa naturang pulong na tinatayang nasa higit P1.39-B ang nasira sa mais at higit P4.11-B sa palay dahil sa tagtuyot.

‎Bukod dito, ibinahagi rin ni Engr. Antonio na umabot sa higit P4. 77-B estimated value loss ang naitala sa mga mangingisda sa buong probinsya.

‎Dagdag pa niya, kung dati ay umaabot sa P2,200 ang kanilang kinikita, ngayon ay nasa P200 na lamang.

‎Samantala, humingi ng listahan ng mga apektadong indibidwal ang Provincial Social Welfare and Development Office para sa pagbibigay ng food packs at ayuda.

Facebook Comments