Pump boy, patay matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo

New Washington, Aklan – Dead on arrival sa hospital ang isang pump boy matapos na maaksidente sa sinasakyang motorsiklo kagabi sa national highway ng Brgy. Tambak, New Washington, Aklan.
Nakilala ang biktima na si Jonel Ramos Nillasca, 31-anyos ng Brgy. Tabayon, Banga.
Sa imbestigasyon nga New Washington PNP lumalabas na galing sa trabaho ang biktima at pauwi na ito sakay ng kanyang motorsiklo pero pagdating sa pinagyarihan ng aksidente ay nag overtake ito sa sinusundang sasakyan pero bumangga ito sa kasalubong na tricycle na galing sa Kalibo at papuntang New Washington.
Dahil sa mabilis ang takbo nito ay malakas rin ang pagkabangga na naging dahilan para tumalsik ang suot na helmet at nagtamo ng fatal na sugat sa ulo.
Samantala, nagtamo rin ng sugat ang driver ng tricycle na si Prince Meren Reyes, 43-anyos ng Poblacion New Washington at kasalukuyang ginagamot sa sa Aklan Provincial Hospital.

Facebook Comments