Saklaw ng paalala ang mga solar streetlight, telco poles, signages, bakod, at iba pang harang na maaaring makaapekto sa ligtas at tuloy-tuloy na distribusyon ng kuryente.
Ayon sa kooperatiba, ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11361 o “Anti-Obstruction of Power Lines Act,” na layuning maiwasan ang mga sagabal sa power lines na maaaring magdulot ng brownout, pagkasira ng linya, at panganib ng aksidente tulad ng electrocution.
Kasunod nito, nanawagan ang kooperatiba sa mga kinauukulang ahensya at contractor na tiyaking nasusunod ang tamang distansya ng mga inilalagay na istruktura mula sa power lines, kasabay ng ulat ng paulit-ulit na power interruption sa Feeder 6 na iniuugnay sa mga streetlight na malapit sa linya ng kuryente.
Binigyang-diin din ng batas ang kaukulang parusa sa mga lalabag. Sa unang paglabag, maaaring patawan ng multa na hanggang ₱50,000 at/o pagkakakulong; sa ikalawang paglabag, hanggang ₱100,000 at/o pagkakakulong; at sa ikatlong paglabag, hanggang ₱200,000 at mas mabigat na kaparusahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








