WAWA EVACUATION CENTER SA BAYAMBANG, BINAKURAN BILANG DOBLENG PAGHAHANDA SA MGA EMERGENCY

Nakumpleto na ang konstruksyon ng bakod sa pa;igid ng Wawa Evacuation Center sa Bayambang, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan ng pasilidad sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency situation.

Ayon sa mga awtoridad, inaasahang makatutulong ang proyekto upang mapanatiling ligtas at maayos ang evacuation center, kabilang ang mga kagamitan at pasilidad na ginagamit ng mga residenteng pansamantalang lumilikas tuwing may bagyo, pagbaha, lindol, sunog, at iba pang sakuna.

Layunin din ng inilagay na perimeter fence na mapigilan ang pagpasok ng mga hindi awtorisadong indibidwal at maiwasan ang mga insidente ng paninira at pagnanakaw na maaaring makaapekto sa kahandaan ng pasilidad.

Binigyang-diin naman ng mga kinauukulan ang kahalagahan ng pagpapanatili na functional at secure ang mga evacuation center upang agad itong magamit sa oras ng pangangailangan.

Kasabay nito, hinikayat ang publiko na makiisa sa pangangalaga sa pasilidad bilang bahagi ng pagsusulong ng mas ligtas at mas handang komunidad laban sa anumang sakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments