
Inamin ni House Justice Committee Chairperson Rep. Gerville Luistro na kung sakaling magiging parte siya ng defense team ay mahirap depensahan ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Luistro, nakikita nyang napakahirap i-establish ang depensa lalo na sa mga ebidensyang inilabas ng mga complainant.
Ayon pa kay Luistro, dapat nang sumipot si VP Sara para ilabas ang kanyang ebidensya habang wala pang hatol.
Aniya kung sakaling walang mailatag na ebidensya ang defense team ni VP Sara, maaaring makita na sapat ang ebidensya ng nasabing complaint at pwede itong magresulta sa pagsusulong ng kanyang article of impeachment sa senado.
Facebook Comments










