Pinapayuhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction Office (QCDRRMO) ang mga residente na nasa low lying areas na patuloy na i-monitor ang pinakahuling weather updates na ilalabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Asahan na ang mga pag-ulan sa lungsod ng Quezon anumang oras ngayon.
Sa inilabas na localized thunderstorm advisory #1 ng QCDRRMO, asahan pa ang mahina hanggang sa katamtaman na minsan ay may kalakasang pag-ulan sa lungsod sa loob ng isa hanggang dalawang oras
Bunga nito, pinag-iingat ng QCDRRMO ang mga motorista dahil sa madulas na mga kalsada at magiging prone sa aksidente.
Sa ngayon, wala pang ulat ang lungsod na may pagtaas ng tubig baha sa mga lugar na karaniwan nang binabaha kapag may pag-ulan.