Malacañang, no comment sa desisyon ni Cebu City Mayor Mike Rama na gawin nang boluntaryo ang paggamit ng face mask sa Cebu

59

Hindi nagbigay ng komento ang Malacañang kaugnay sa inisyung Executive Order ni Cebu City Mayor Mike Rama na gawin nang boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa kanilang lalawigan maliban sa mga medical facilities.

Sa press briefing sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na nirerespeto nila ang mandato ng local government pero wala aniyang reaksyon ang pangulo kaugnay rito.

Aniya, mas maiging hintayin na lang muna ang desisyon ng Department of Health (DOH) kaugnay rito.


Hangga’t wala aniyang reaksyon mula sa DOH ay wala ring maibibigay na statement ang Malacañang.

Facebook Comments