Wednesday, October 21, 2026

Rally ng mga magsasaka at ibang grupo sa Mendiola, Maynila, generally peaceful ayon sa MPD

Itinuturing ni Manila Police District (MPD) Brig. Gen. Arnold Santiago na generally peaceful ang isinagawang rally ng .ga msgsasaka kasama ang iba’t-ibang grupo sa Mendiola, Maynila.

Sa panayam kay Santiago, pinayagan nila na magkasa ng programa ang mga grupo kung saan nakabantay naman sila para masiguro ang kaayusan at kapayapaan.

Sinabi pa ng opisyal na hanggang alas-12:00 ng tanghali sila dapat magsasagawa ng programa pero papayagan sila mag-extend kung walang magiging problema.

Kaugnay nito, pansamantalang sarado Recto Avenue at Legarda Street sa Maynila dahil sa rally kung saan pinayuhan nila ang mga motorista na dumaan muna sa alternatibong ruta.

Matatandaan na pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang kilos protesta at panawagan nila ang tunay na reporma sa lupa, pagtaas ng sahod ng mga manggagawang bukid, pagsuporta sa lokal na produksyon, at pagpapalayas sa mga militar sa sakahan.

Ilan sa mga magsasaka ay nagmula sa Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, CALABARZON, Mindoro at Palawan upang singilin ang pamahalaan na umano’y pangunahing nagbebenta ng lupa at kalikasan ng bansa.

Facebook Comments