RECRUITMENT NG 5ID SA MGA NAIS MAGSUNDALO, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang recruitment ng 5th Infantry Division sa Camp Melchor F. Dela Cruz ng mga nais magsundalo sa kategoryang Candidate Soldier, Officer Candidate Course, at Officer Preparatory course.

Nasa kabuuang 550 ang target quota ng nasabing recruitment kung saan kinakailangan ang 520 na mga lalaki, 20 mga babae, at 10 na special enlistment gaya ng Medical personnel, Information Technology experts, at iba pa.

Ito ang unang batch ng recruitment para sa Current Year 2022.

Nagsimula ang Physical Fitness Test at Medical noong ika- atres ng Marso habang nagpapatuloy ito upang matiyak na nasa maayos na kalusugan ang mga aplikante at bilang bahagi ng paunang requirements ng kasundaluhan.

Facebook Comments