Petition for Exception ni VP Robredo, pinagbigyan ng COMELEC

Kinatigan ng Commission on Elections COMELEC En Banc ang kahilingan ni Vice President Leni Robredo na maipagpatuloy ng kanyang tanggapan ang ilan sa mga proyekto at programa nito.

Sinabi ni COMELEC Comm. George Garcia na kasunod ito ng isinagawang COMELEC En Banc session kaninang umaga.

Ito aniya ay sa loob ng 45 araw na panahon ng kampanya bagama’t hindi pa idinetalye kung anong mga proyekto ang pinapayagang maisagawa.


Kinumpirma rin ni Garcia na nadesisyunan na rin ng COMELEC ang petisyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kasama ang mga lokal na pamahalaaan.

Ilan aniya sa mga petisyon ay pinagbigyan habang ang iba ay hindi pinayagan ng poll body.

Facebook Comments