REGIONAL HIGHER EDUCATION PRESS CONFERENCE 2025, MAGTATAPOS NA

CAUAYAN CITY – Magtatapos ngayong araw ang ika-21 Regional Higher Education Press Conference na ginaganap sa Isabela Convention Center, Cauayan City, Isabela.

Nilahukan ito ng 475 student journalists mula sa 31 pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Wilhelmina Baliton, Panauhing Pandangal ng kompetisyon, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paksa, maayos at malinaw na paghahatid ng balita, pati na rin ang tamang paggamit ng background sound.


Samantala, para kay Eunice Janelle De Guzman mula sa Nueva Vizcaya State University, isang hamon ang pagsali sa ganitong kompetisyon ngunit mahalaga ito upang maibahagi ang tamang impormasyon sa publiko.

Ayon sa kanya, ang pinakamalakas na sandata ng isang student journalist ay ang kanyang kaalaman at kakayahan sa pagsusulat.

Pinuri naman ni Ginang Baliton ang galing at dedikasyon ng mga kalahok at hinikayat silang ipagpatuloy ang kanilang karera sa larangan ng journalism.

Facebook Comments